Kaye Abad, Ikakasal Na!

Batay sa Instagram video ng komedyanteng si Pooh, ang dating Pinoy Big Brother housemate iminungkahi sa kanyang kasintahan ng dalawang taon ngayong gabi, May 17, sa Bellevue Hotel sa Filinvest, Alabang.
Ang matamis na kaganapan ay nakasaksi sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pamilya ng mag-asawa at matatalik na kaibigan.
Nikki Valdez nakunan ito espesyal na sandali at nag-post ito sa kanyang Instagram account.
Camille Prats din ipinahayag ang kanyang excitement para Kaye, na noon ay huling babae upang magkasunduan kasama ng kanyang Tabing Ilog contemporaries.
Sa isang nakaraang pakikipanayam sa mga tanyag na tao ng mag-asawa, parehong sinabi na gusto nila na magkaroon ng isang intimate kasal.
Kaye pagkatapos ay inilarawan ang kanyang panaginip kasal, ‘Nung Bata ako, gusto ko sana ay isang simbahan at simple lang talaga.

Video Scandals Sa Showbiz, Wala Na Ba?

Kung merong mga puputok na balita tungkol sa video scandals ng mga artista, nagiging scoop ito sa mga pahayagan at napakaraming kababayan ang sumusubaybay sa mga ito. Sina Katrina Halili, Heart Evangelista, Via Veloso at iba pang artista ay nagkaroon ng sex video scandals at ito ay naging sanhi ng pagtamlay ng kanilang career sa showbiz sa Pilipinas.

Ngunit sa nagdaang mga taon, parang wala nang naririnig na mga balita tungkol sa video scandals. At kung meron man ay parang ordinaryo na ito at hindi na gaanong pinapansin ng mga tao. Ito ay sa kadahilanang lagi nang may naririnig at nakikitang ibat-ibang scandals ang mga tao.

Sa Philippine showbiz ay parang ordinaryo na lang ito. Meron pa ngang tinawag na audio scandal si Daniel Padilla kaya parang ordinaryong pangyayari na lang kapag may nangyayaring scandal sa mundo ng showbiz. Para bang “no big deal” na ang mga ito. Iba na mag-isip ang mga Pilipino kaya parang pinapabayaan na lang ang mga ito ngayon.

That Thing Called Tadhana Ni Angelica Panganiban

Kahit itoy luma na, napanood ko kamakailan ang “That Thing Called Tadhana” na pinagbibidahan ni Angelica Panganiban. Napabalitang ang pelikulang ito ay kumita ng kung ilang milyon noong maipalabas sa mga sinehan sa buong bansa. Tumabo ito sa takilya at umabot pa nga sa ibang bansa na naging positibo naman ang pagtanggap ng mga pinoy.

Napakasimple ng estorya ng pelikula ngunit ito ay tumatak sa puso ng mga kababayang nakapanood nito. Tumanggap pa nga ng parangal si Anglica dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

Namangha ako nang mapanood ko ito dahil parang tatlo lang silang karakter sa nasabing pelikula. In fact, dalawa lang sila dahil ang isa ay sa bandang huli na nagpakita. Ang galing at napakaganda ni Angelica sa kanyang pagganap. Sa narinig ko, ang nasabing pelikula ay isang indie film pero tumabo ito at naungosan pa ang ibang mainstream movies. Napalaki ng kinita ng mga producers at syempre si Angelica Panganiban na rin.

Singer Aiza Seguerra Supurtado Si Duterte

Isa na namang taga mundo ng showbiz ang nagpahayag ng suporta kay Rody Duterte sa kanyang kandidatura sa pagka presidente. Si Aiza Seguerra ay nagpahayag ng all out support para kay Mayor Digong at sabi niya ay ikakampanya niya ang matapang na mayor ng Davao City. Ito ay sinabi ni Aiza sa isa niyang concert sa Dubai at ito ay pinalakpakan nang husto ng mga manonood.

Hindi magpapabayad si Aiza sa kanyang serbisyo kagaya ng mga naunang nagpahayg ng suporta sa kandidatura ni Duterte. Ito sana ang ginawang huwaran nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa halip ang tumanggap sila ng tig-20 milyon pesos para lang ikampanya ang kandidatura ng Tuwid na Daan.

Magsisimulang maglibot si Aiza sa Pilipinas para sa kampanya kay Duterte pagbalik niya sa Pilipinas. Sinabi rin ni Aiza na makikipagpulong din siya sa iba pang mga artista para sa gagawing nationwide campaign for Duterte.

Daniel Padilla At Kathryn Bernardo Kinantyawan Ng Mga Fans!

Napabalitang kinantyawan ng mga fans o supporters ni presidentiable Rody Duterte ang tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang pagtitipon kamakailan. Ang dalawa ay naging panauhin sa isan pagtitipon ng mga beauty queens at nang matapat sila sa representative ng Davao ay nag-chant ang mga ito ng “Duterte! Duterte!” na sinabayan pa ng ibang mga beauty queens. Sinasabing napahiya ang Kathniel at nagmadali silang umalis sa lugar.

Matatandaang binayaran ng kampo ni Mar Roxas ng tig-20 milyon ang dalawang teenage superstars kapalit ng pag-endorso nila sa kanyang kandidatura. Marami ang pumuna sa pagtanggap nina Daniel at Kathryn sa nasabing halaga kapalit ng kanilang serbisyo dahil parang ipinagbili nila ang kanilang pagkatao para lang mapalakas ang kampanya ng isang taong marumi gaya ni Mar Roxas.

Ngunit sa mga fans ng Kathniel, tama lang ang ginawa ng dalawa dahil malaki nga namang halaga ang kanilang natanggap at puede na silang mamuhay ng maginhawa sa halagang iyon. “Pera-pera lang yan” anman ang tugon ng mga tumutuligsa sa dalawa.

Artistahin Si Mar Roxas

Kamakailan ay lumabas ang isang komiks na binayaran ni Mar Roxas para ang kanyang pangalan ay pabanguhin sa masa. Sinasabing siya daw ang bayani sa nangyaring unos sa lungsod ng Tacloban.

Ang akin lamang ay talagang desperado na si Roxas. Naging artistahin na siya. Nagpapantasya at kahit anu-ano na lang ang pinaggagawa para lamang maungosan ang mga kalaban sa politika.

hindi naman ito sa mundo ng showbiz kaya sana ay hindi na lamang ganito ang kanyang ginawa. Sana ay tigilan na niya ito at lalo lamang niyang pinapababa ang lanyang sarili.