Daniel Padilla At Kathryn Bernardo Kinantyawan Ng Mga Fans!

Napabalitang kinantyawan ng mga fans o supporters ni presidentiable Rody Duterte ang tandem nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa isang pagtitipon kamakailan. Ang dalawa ay naging panauhin sa isan pagtitipon ng mga beauty queens at nang matapat sila sa representative ng Davao ay nag-chant ang mga ito ng “Duterte! Duterte!” na sinabayan pa ng ibang mga beauty queens. Sinasabing napahiya ang Kathniel at nagmadali silang umalis sa lugar.

Matatandaang binayaran ng kampo ni Mar Roxas ng tig-20 milyon ang dalawang teenage superstars kapalit ng pag-endorso nila sa kanyang kandidatura. Marami ang pumuna sa pagtanggap nina Daniel at Kathryn sa nasabing halaga kapalit ng kanilang serbisyo dahil parang ipinagbili nila ang kanilang pagkatao para lang mapalakas ang kampanya ng isang taong marumi gaya ni Mar Roxas.

Ngunit sa mga fans ng Kathniel, tama lang ang ginawa ng dalawa dahil malaki nga namang halaga ang kanilang natanggap at puede na silang mamuhay ng maginhawa sa halagang iyon. “Pera-pera lang yan” anman ang tugon ng mga tumutuligsa sa dalawa.

Mag-iwan ng puna